Showing posts with label Tagalog-Carols. Show all posts
Showing posts with label Tagalog-Carols. Show all posts

A Perfect Christmas


A Perfect Christmas Lyrics
by: Jose Mari Chan

I
My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party
Or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When their shared with you

II
Looking through some old photographs
Faces of friends we’ll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights, all over town
Children’s carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair

Chorus:

I can’t think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you’d let me spend my whole life with you

Repeat II
Repeat Chorus

My idea of a perfect Christmas is to spend it with you

Christmas Bonus


Christmas Bonus Lyrics
by: Aegis

La la la…

Sa tuwing darating ang kapaskuhan
Ang Christmas bonus, ating inaasahan
Sa mga kumpanyang pinagta-trabahuan

Chorus 1
Kaya’t ibigay n’yo na
Ang aming Christmas bonus
Pati na ang 13th month pay
Para lahat okey na okey

Kay sarap makatanggap ng Christmas bonus
Para bang problema mo’y na-hocus-pocus
Pambili ng regalo, panghanda sa lahat ng gastos
Halos solve ng lahat kung may Christmas bonus

Chorus II
Kaya’t ibigay n’yo na
Ang aming Christmas bonus
Nang maging maligaya tayong lahat
Sa araw ng pasko

[Repeat Chorus I]
[Repeat 1st stanza]
[Repeat Chorus I]
[Repeat Chorus II]

Chorus III
Kaya’t ibigay n’yo na
Ang aming Christmas bonus
Nang maging masagana
Ang pagsalubong sa bagong taon.

Ang Bango Ng Pasko


Ang Bango ng Pasko Lyrics

Ang bango ng pasko ay walang katumbas
parang lumang pagbati na ‘di kumukupas
parang bagong damit, kay linis, kay puti
hindi pa nakaranas ng mantsa at dumi

Ang bango ng pasko, regalong hatid
ang ihip ng pag-asa tuwing disyembre
ang bango ng pasko, langhapin ang sarap
‘pag kasama ang pamilya, walang katumbas
ang bango ng pasko ay walang katumbas

Ang bango ng pasko ay walang sing-saya
tamis ng halakhakan sa biyayang dala
ang bango ng pasko ay walang sing-sarap
ang simoy ng pag-ibig at pagkakaisa

Ang bango ng pasko, ligayang hatid
ang ihip ng pag-asa tuwing disyembre
ang bango ng pasko, langhapin ang sarap
‘pag kasama ang pamilya, walang katumbas
ang bango ng pasko
sana lahat makatanggap.

Paskong Kay Ganda


Paskong Kay Ganda Lyrics
by: Jose Mari Chan

Bakit sa tuwing Pasko lamang
Mayroong saya
Sa tuwing Pasko lamang
Nagkakasama

Pagkatapos ng Pasko ay limot na
Ang pag-ibig na inalay sa isa't isa
Sana't kahit hindi pasko
Himig natin na inawit sa isa't isa
Mahirap man o mayaman ka

Chorus:

Sana, araw-araw ay pasko
Araw-araw ay mayroong pag-ibig sa bawat puso
Sana ay araw-araw ay pasko
Na maglaho ang gulo
At maghari ay katahimikan sa atin mundo
oh...ohhhh.....

Bakit sa tuwing pasko lamang
Nagbibigayan Mmmmmmm......
Damdamin ay dapat na laging buksan
Di naman maghirap ang magmahal
Pagpalain ka pa nga ng Maykapal
Sana kahit hindi Pasko
Ang pintig sa puso'y di magbabago
Ang mahalaga'y pagmamahal mo

Repeat Chorus

Kumukuti-kutitap


Kumukuti-kutitap Lyrics
by: Ryan Cayabyab
Jose Javier Reyes

Intro:

Kumukuti-kutitap,
bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga
bombilya
Kikindat-kidat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga
mata

Kumukuti-kutitap, bumubusi-
busilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan (ng/ nino pa ng)
palarang bituin
Iba’t ibang palamuti, ating isabit
sa puno
Buhusan ng mga kulay,
tambakan ng mga regalo

Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
‘Wag lang malundo, sasabihin
(pupulu-pulupot)
Paikut-ikot, koronahan ng
palarang bituin,
Dagdagan mo pa ng kendi,
ribbon, eskoses
At bohita habang lalong
dumadami
Regalo mo’y dagdagan

(Repeat)
(Repeat 2nd stanza)

Sana Ngayong Pasko


Sana Ngayong Pasko Lyrics

Intro

Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

Refrain:

Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko

Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

(Repeat Refrain 2x)

Sana ngayong Pasko...

Christmas In Our Hearts


Christmas In Our Hearts Lyrics
by: Jose Mari Chan

Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the street
I remember the child in the manger as he sleeps

Wherever there are people
Giving gifts exchanging cards
I believe that Christmas is truly in our hearts

Let's light our Christmas trees for a bright tomorrow
Where nations are at peace,
And all are one in God

Chorus

Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
This season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts

In every prayer and every song
The community unites, celebrating the birth of our savior Jesus Christ
Let love like that starlight on that first Christmas morn
Lead us back to the manger where Christ the child was born
So come let us rejoice

Come and sing the Christmas carol with one big joyful voice
Proclaim the name of the Lord

Repeat Chorus 2x


Sa Araw Ng Pasko


Sa Araw Ng Pasko Lyrics


Intro

Di ba't kay ganda sa atin ng pasko
Naiiba ang pagdiriwang dito
Pasko sa ati'y hahanap-hanapin mo
Walang katulad dito ang pasko

Refrain

Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama

Chorus

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Sa ibang bansa'y 'di mo makikita
Ang ngiti sa labi ng bawat isa
Alam naming hindi n'yo nais malayo
Paskong pinoy pa rin sa ating puso

[Repeat refrain]
[Repeat chorus]

Bridge
Dito'y mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree

[Repeat chorus except last 4 words]
[Repeat chorus]

Mano Po Ninong, Mano Po Ninang


Mano Po Ninong, Mano Po Ninang Lyrics
Lyrics: Manuel Villar
Music: Ador Torres

Maligaya, maligayang Pasko kayo'y bigyan
Masagana, masaganang Bagong Tao'y kamtan
Ipagdiwang, ipagdiwang araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mamuhay na lagi sa kapayapaan

Chorus:

Mano po Ninong, mano po Ninang
Narito kami ngayon
Humahalik sa inyong kamay
Salamat Ninong, salamat Ninang
Sa aginaldo pong inyong ibinibigay

Repeat chorus
Repeat all

Pasko Sa Nayon


Christmas in Town

Pasko Sa Nayon Lyics
by: Philip Maninang

1
Pasko sa aming nayon ay kay saya
Ang bawat tahanan ay mayroon handaan
Kahit munti mang bata'y nagdiriwang
Nagagalak pagsapit ng Paskong araw.

2
Pasko sa aming nayon ay kay sigla
Ang mga dalaga/ang mga binata ay mga pustura
At ang gabi kung baga sa pagsinta
Nagliwanag sa pamaskong alaala.

Chorus

Nagsabit ang parol sa bintana
May awitan habang ginagawa
Ang pamasko nilang ihahanda
Ang bawat isa'y natutuwa

3
May litsunan at mayroong sayawan
Sa pagsaliw ng aming orkestra
Batang munti parol ang s'yang dala
Pasko sa nayon ganyan sa tuwina.

(Repeat 2)
(Repeat Chorus)

Pasko Na Naman


Pasko Na Naman Lyrics
Lyrics: Levi Celerio
Music: Felipe de Leon, Sr.

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan

Chorus

Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Tanging araw nating pinakamimithi
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Ang pag-ibig, naghahari

(Repeat all)
(Repeat chorus 3x)

Simbang Gabi


 Simbang Gabi Lyrics
- Bert Reyes


1
Ang simbang gabi kung Pasko
Ay sadyang dinarayo
Ng mga taga bayan
At maging taga baryo
Ang kalembang ng kampana
Doon sa kampanaryo
Ay hudyat ng pasimula
Nitong misa de gallo

2
At pagkatapos ng misa
Ang iba'y umuwi na
Ang ila'y kumakain
Ng puto at bibingka
Ang ibang nangaroroon
Ang gusto'y puto bumbong
Ang simbang gabi ay gayon
Sa bayan at sa nayon.

Chorus

Subalit sabi ng masisiste
Oras ng tiempo ang simbang gabi
Para lang magtanan ang babae
Nakasama ang mahal n'yang kasi.

3
Pagsapit ng simbang gabi
Mayroon ponda sa kalye
Musiko'y naglilibot
Sa tugtog nawiwili
Doon sa mga simbahan
Ang tao ay kay dami
Ganyan sa ating bayan
Kung mayroong simbang gabi.

(Repeat Chorus & 3)

Coda
Ganyan sa ating bayan
Kung mayroong simbang gabi.

Misa De Gallo


Misa De Gallo Lyrics
By: Levi Celerio

Misa De Gallo sa simbahan
At nagtilaok na ang tandang
Tanda ng pagdiriwang at pagmisa
Paskong dakilang araw


Ang awit na handog sa Mesiyas
Mayroon pang kastanyeta
At ang koro tuloy ang kanta
May saliw din ng kwanderata

Misa de Gallo sa tuwing Pasko
Nagdarasal ang bawa't tao
At nagpapasalamat sa pagsilang
Ng Diyos na Hari ng mundo

(Repeat 2nd stanza)
(Repeat 3rd stanza)
(Repeat all)

Bati Nami'y Merry Christmas


Bati nami'y Merry Christmas Lyrics

Bati nami'y Merry Christmas
At bagong taong sagana
Pasko ay pandiwang
Pang-araw na dakila

Dapat tayong manatili
Sa buhay na mapayapa
Upang lumigayang tunay
Ang ating Inang Bansa.

Merry Christmas, Merry, Merry Christmas
Paskong anong saya

Happy New Year, Happy, Happy New Year,
Bagong taong sigla

At kung kayo'y lumigaya
Pagdating ng Christmas
Kayo'y makakaasang kami'y magagalak.

(Repeat 2nd Stanza)

(Repeat last 3 lines of 2nd Stanza)
(Repeat all)
(Repeat 2nd Stanza)

Merry Christmas (3x) 

Himig Ng Pasko


Himig Ng Pasko Lyrics
by: Apo Hiking Society

1
Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawa't damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langit

2
Himig Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubos ang kasayahan

3
Himig ng Pasko umiiral
Sa loob ng bawa't tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

4
Himig Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubos ang kasayahan

5
Himig ng Pasko umiiral
Sa loob ng bawa't tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langi

Sa Paskong Darating


Sa Paskong Darating Lyrics
By: Serapio y. Ramos

Sa Paskong Darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate (Hershey's)
Peras, kastanyas na marami

Coda:
Sa araw ng Pasko
Huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
Habang nabubuhay

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay mahal sa akin
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate (Choc-nut..hehehe)
Peras, kastanyas na marami

(Ulitin ang Coda)
(Repeat Coda)

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay mahal sa akin

Music Sheet and Guitar Chords

Miss Kita Kung Christmas


I Miss You on Christmas

Lyrics by: Fe M. Ayala
Melody by: Hermie Uy

Miss Kita Kung Christmas Lyrics

Ang Disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Ano man ang pilit kong magsaya
Miss kita kung Christmas
Kahit nasaan ako
Papaling-paling ng tingin
Walang tulad mo

Ang nakapagtataka'y maraming
Nakahihigit sa 'yo
Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako'y iniwan mong nag-iisa

Miss kita, O giliw
Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Hirap niyan mayro'n ka ng iba.

Music Sheet

Kampana ng Simbahan


Bell of the Church

Lyrics: Serapio Y. Ramos
Melody: Juan L. Silos, Jr.

Kampana Ng Simbahan Lyrics

1
Kampana ng simbahan ay nagigising na

At waring nagsasabi na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan



2

Ang kampana'y tuluyang naggigising

Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa



3

Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin

Pagka't tayo'y may tungkulin sa panalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin habang nagsisimba


Music Sheet and Guitar Chords

Pasko Na Sinta Ko


Pasko Na Sinta Ko Lyrics

Pasko na sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit ka nagtampo
Iniwan ako

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano ang Pasko
Inulila mo

Refrain:

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano ang Paskong
Alay ko sa iyo.

Music Sheets and Guitar Chords

Sa Maybahay ang Aming Bati


To The Householder We Greet

Sa Maybahay ang Aming Bati Lyrics

Original Tagalog Version
Literal English Translation
Sa maybahay, ang aming bati:
"Merry Christmas na mal'walhati!"
Ang pag-ibig, 'pag siya'y naghari
Araw-araw ay magiging Pasko lagi!

Koro:

Ang sanhi po, ng pagparito,
ay hihingî po ng aginaldo.
Kung sakaling, kami'y perhuwisyo,
pasensya na kayo't kami'y namamasko!!
To the householder we greet:
"A Glorious Merry Christmas!"
When Love doth reign,
every day will always be Christmas!

Chorus:

The reason we have come
is to ask for gifts.
If it so happens that we are a bother,
Forgive us as we are soliciting for Christmas!


 Music Sheets and Guitar Chords