- Bert Reyes
1
Ang simbang gabi kung Pasko
Ay sadyang dinarayo
Ng mga taga bayan
At maging taga baryo
Ang kalembang ng kampana
Doon sa kampanaryo
Ay hudyat ng pasimula
Nitong misa de gallo
2
At pagkatapos ng misa
Ang iba'y umuwi na
Ang ila'y kumakain
Ng puto at bibingka
Ang ibang nangaroroon
Ang gusto'y puto bumbong
Ang simbang gabi ay gayon
Sa bayan at sa nayon.
Chorus
Subalit sabi ng masisiste
Oras ng tiempo ang simbang gabi
Nakasama ang mahal n'yang kasi.
3
Pagsapit ng simbang gabi
Mayroon ponda sa kalye
Musiko'y naglilibot
Sa tugtog nawiwili
Doon sa mga simbahan
Ang tao ay kay dami
Ganyan sa ating bayan
Kung mayroong simbang gabi.
(Repeat Chorus & 3)
Coda
Ganyan sa ating bayan
Kung mayroong simbang gabi.